top of page
Writer's picturePRESO Inc.

(TL) A Young Girl’s Quest for Justice with Hope for a Better Tomorrow

Updated: May 3, 2023


Si Gina ay isang simpleng probinsyanang nangangarap din ng magandang buhay. Pinanganak at lumaki sa isang liblib na bayan sa dulo ng Zamboanga, siya ay namuhay ng salat sa maraming bagay. Ito ang naging dahilan upang sya’y pumayag, kasama ng kapatid na makipagsapalaran sa Maynila upang makatulong sa kanyang magulang na magsasaka sa kanilang lugar.


Mula Zamboanga namasukan si Gina bilang kasambahay sa isang mayaman na pamilyang nakatira sa isang sikat na subdivision sa Pasig. Sa edad na 16 at dahil nga laking probinsya, wala siyang kalam alam anumang lugar sa maynila. Mahirap man para sa isang katulad nya na menor de edad ang malayo sa pamilya, tiniis nya ang lahat para lamang kumita ng pera at may maipadala sa kanyang mga magulang. At dahil tapat ata masipag, isa sya sa mga pinagkatiwalaang kasambahay ng kanyang amo.

Ngunit hindi umaayon ang magandang kapalaran kay Gina. Nagtiwala sya sa isang grupo ng mga “budol-budol”gang sa pagaakalang naaksidente ang amo at kailangan ng pera para sa ospital. Tuluyan syang pinagbintangan ng amo na kasabwat ng grupo na tumangay ng halos P4 milyong halaga raw ng pera at alahas ng kanya amo. Dahil dito siya ay ipinakulong at kinasuhan ng Qualified Theft. At dahil minor, inilagay sya sa Bahay Pag-asa, isang Center para sa Kabataan. Hindi kalian man inamin ni Gina ang paratang sa kanya. Malinis ang kanyang konsensya. At nanatili sya sa Center ng halos apat na taon. Ito na marahil ang pinakamalaking pagsubok na hinaharap sa kanyang buhay.


Sa Bahay PagAsa, nabigyan sya ng pagkakataong makapag-aral at makilahok sa mga programa na makakatulong sa mga menor de edad na katulad niya. Nitong dumating ang pandemya, hindi na rin nadalaw ng mga magulang nya si Gina. Lalo nyang naramdamang napakalayo sng kanyang pamilya at higit nyang naramdam ang lungkot at awa sa sarili. Ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Patuloy siyang nanalig sa DIYOS at nanatiling positibo ang pananaw. Kahit walang dalaw, naniwala syang malalagpasan niya ang pagsubok na ito.


Patuloy na naging masipag at mapagkakatiwalaan ng mga staff sa loob ng Center. At dahil sa pinakitang kaayusan at kabutihan, dininig ang kanyang panalangin. Isang Social Worker ng Center ang nag recommend sa PRESO INC, na tulungan si Gina sa kanyang kaso sa paniniwalang tunay na wala syang kasalanan. Bilang tugon, sinagutan ng PRESO Inc ang kanyang pyansa na umabot ng P25,000. Kaya’t noong October 25, 2020 muling naramdaman ni Gina ang maging malaya.

Sa ngayon, kinukupkop si Gina ng sa isang malayong kamaganak, isang tiyahin niya na nakatira sa Quezon City. Hindi rin gaanong maayos ang kalagayan ni Gina dito dahil na rin sa kahirapan ng buhay ng kanyang tiyahin. Ngunit noong Nov. 16 2020, dinalaw siya ng PRESO INC upang ibalita na nakahanap na and Foundation ng isang retired government employee na kilala sa pagtulong sa maraming batang nabilanggo, na sya ring magiging pansamantalang guardian ni Gina ngayon. Magkakaron sya ng sarili nyang space at matutugunan ang mga personal pa nyang pangangilangan lalo na ang kanyang pag aaral. Sa puntong iyon, mababakas sa mukha ni Gina ang saya at sa magiging bagong yugto ng kanya buhay. Patuloy ang paglalalakbay… patuloy ang pangarap!


Comments


bottom of page