top of page
Writer's pictureRaymund Narag

Ang Kaso ni KC at Ate Rosalinda


Buti pa si KC, magsori lang sa publiko at magbayad ng PhP1,500 na fine, dahil sa pagviolate ng covid protocols, okay na. Dito na papasok ang "humanitarian considerations" natin.

Paano naman si Ate Rosalinda, isang bagong laya sa aming Community Bail Bond Program. Siya ay nakulong sa "droga" ng halos isang taon, nadamay sa kaso ng pamangkin at napatunayan ng walang sala sa korte, subalit di agad nakalaya dahil daw may "kapangalan". At noong siya ay lumaya, siya ay nag-aalalaga sa kanyang apo sa tabi ng kanyang bahay, subalit nadaanan ng pulis, at hinuli dahil sa di paggamit ng maskara. Siya ay ikinulong bagamat nagmamakaa-awa na huwag na siyang muling dahil sa piitan.


Di ko sinasabing dapat ikulong si KC. Sobra-sobrang parusa yun sa di pagsunod sa alintuntunin ng covid. Tama lang na gamitin ang humanitarian considerations, ang pusong pinoy na maawain.


Pero sana naman, may puso rin tayo sa mga katulad ni Ate Rosalinda..Sila ay kapwa Pilipino rin natin, na higit pang nangangailang ng atin pagkalinga.

Comentarios


bottom of page