top of page
  • Writer's pictureSolita Baltazar

Ang Palad ng Kapalaran ay Muling Natagpuan at Tuluyang Magbabago

Updated: Sep 12, 2020


Si Jun ay isang ulilang taga Cavite, naglayas, Grade One lamang ang natapos ngunit sa kabutihang palad ay kinupkop ng isang homeless na pamilya sa loob ng halos 10 taon sa may isang open area sa likod ng estasyon ng bus sa Quezon City. Sa hindi inaasahang pangyayari, si Jun ay nasadlak ng mahigit limang buwan sa isang piitan. Dala ng pakiramdam na sya ay madalas ma “bully”, nademanda sya ng attempted homicide ng isang driver na unang nanakit sa kanya. Sa kabila nito, minabuti ng PRESO Inc. na sya bigyan ng pagkakataong maituwid ang anumang pagkakamali sa pamamagitan ng bail.


Bago mag pyansa, hinanap ko ang sinabing address ngunit hind siya kilala sa lugar... Ngunit hindipa din ako nawalan ng pag asa. Lagi akong nagbakasakali na makita ko and kanyang Tatay-tatayan na si Mang Yoyoy. Sa.Ikatlong umaga ng pagtatanong may nagturo sa aking nagtitinda ng dyaryo kung saan si Tatay makikita... sa wakas. Masayang kwento ni Tatay at sabi.nya mabait at masipag na bata si Jun, may konting kakulangan lamang sa pag iisip. Lalong natuwa silang magasawa nang sinabi ko na sa loob ng 2 araw ay lalaya na si Jun. Nalaman ko rin na sila ay beneficiary din ng Sacred Heart Parish outreach for poor families.

Nitong July 24, alas dos ng hapon, lumaya na si Jun. Sa sobrang saya nya, nabulol na sa pasasalamat. At lalo pang nabulol ng iniabot ko ang groceries na galing sa PRESO Inc. Habang kami ay lumalakad ay binabati siya ng mga vendors at sa mga barker duon. Palakaibigan pala siya. At nang matanaw si Mang Yoyoy, humiyaw ito nang “Tatay!” Yakap na mahigpit ang pasalubong ng kinikilalang ama. Halos hindi ko maiwan ang tagpong yun na di kayang bayaran, Habang nag aabang ako ng sasakyan ay my tumawag na my hawak na isang basong palamig, “Sister Sol, palamig po tayo”. Nangiti ako at nagpasalamat. Napakabuti ng Diyos! May mga taong, kapos man sa pinagaralan ay may pusong marunog magpasalamat. Hindi dito nagtatapos ang kapalaran ni Jun. Patuloy naming syang gagabayan. Mapalad ang mga nagsisikap magbago, sila’y patuloy na tatanggap ng Biyaya ng Maykapal!



Kommentare


bottom of page