top of page
Writer's pictureRaymund Narag

Anong Pwedeng Gawin?

(Note: This article was originally posted by the author to his social media account on September 11, 2019)



Sabi ng Supreme Court: "We emphasize that in determining the right of an accused to speedy trial, courts are required to do more than a mathematical computation of the number of postponements of the scheduled hearings of the case. A mere mathematical reckoning of the time involved is clearly insufficient, and particular regard must be given to the facts and circumstances peculiar to each case." (Mari vs Gonzales, GR # 187728). Facts of the case: Ang akusado, 44 taong gulang, ay nakakulong na ng limang (5) taon sa city Jail. Non-bailable ang offense. Isang beses nagpalit ng judge at ng PAO lawyer. Laging postponed ang hearing dahil sa: baha (2 beses), di sumipot ang complainant (2 beses), lack of material time (2 beses; may naunang kaso na matagal natapos) at walang judge (dahil sa training) , prosecutor (dahil sa bakasyon, at PAO (conflict of schedule). Sa loob ng 5 taon, 15 beses siyang nadala sa korte at 4 na hearing lamang ang natuloy, lahat ay postponed. Tandaan: hindi pa siya found guilty; presumed innocent siya, pero nagdusa na ng 5 taon. Question: Paano ang mathematical computation nito? Hindi pa ito kasama sa inordinate delay? Hindi pa rin ba ito violation ng right ng speedy trial? Pwede bang sabihin ng kanyang abugado na pwede muna siyang palayain sa pamamagitan ng Release on Recognizance, na kung saan tuloy ang pagdinig ng kaso pero siya ay nasa laya? Pwede rin ba siyang palayain sa pamamagitan ng Supervised Release Program ng isang NGO or probation office? Habang nakakulong, ang akusado ay nakapag-aral sa ALS-High School. Nakatapos din ng 3 kurso sa TESDA. Wala siyang naging bulilyaso sa kulungan... Maari kayang bigyan ng GCTA? We have the best lawyers in the world...let us see if they can provide good solutions to this simple problem

Comments


bottom of page