Bago maranasan ang tanikala ng bilangguan, pasaway talaga si Ronald. May katigasan ang ulo. Nalimutan ang inang nagsilang at umaruga. Pero sadyang totoong may Dyos.
Matapos ma pagsilbihan ang sentensya sa pamamagitan ng pag-guarantor ng mga taong may malasakit sa kanya, pati na ang pagtitiwala ng PRESO Inc., nalampasan ni Ronald ang masamang gawain at paguugali. Nagliwanag ang lahat sa kanya. Ngayon ay hindi na siya nahihiyang lumantad sa mga taong dati ay hinuhusgahan siya. Ngayon ay taas nuo nya ng hinaharap ang lahat, dahil alam nyang siya ay nasa Panginoon na at may takot nang balikan ang madilim na nakaraan.
Limot na ng kanyang komunidad ang dating Ronald. Maganda ang tingin sa kanya ng Barangay pati na kapitbahayan. Sa tuluyang pagbabago, tumutulong siya sa kanyang ina na magtinda. Kung minsan, gulay, o kaya ay prutas. Kahit anung oras, nandyan sya kapag kailangan siya ng kanyang ina at ama. Wala nang bahid ng anumang droga. Mas mapayapa sya buhat nung nag focus sya sa kabuhayan at sa pagsunod sa mapagmahal na ina.
Saksi kami sa Preso Inc. kung gaano sya patuloy na ginagabayan ng matyagang Nanay. Sa pamamagitan ng Padyak Pangkabuhayan ng Rotary Club of Midtown QC, nagkaroon ng kinikita araw-araw. Tulong ito para magamit sa pagtitinda ng street foods at iba pang uri ng pagkain. Ang puhunang pinahiram ng El Proveedores Foundation ay nabayaran na rin niya.
Tahimik at payapa ang buhay ngayon ni Ronald. May tinatanaw na Pag asa at maayos na kinabukasan. Malaking pasasalamat nya sa Panginoon, at sa mga taong naniwala sa kanya. Nung huli naming kumustahan, sinabi nyang habang buhay nyang hindi makakalimutan ang mga taong naging parte ng kanyang buhay sa Laya.
Ipagdasal natin sya sa patuloy na pagtahak ng landas na ito. Mahirap kalimutan ang bilangguan, pero ito ring karanasang ito ang nagturo kay Ronald pahalagahan ang mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya.
Bagong TAO na daw sya sabi ni Ronald at sa tulong ng Panginoon, paninindigan nya ito, kasi, puede pala... puedeng puede!
Read more about how our CBB Program was able to obtain Ronald’s release here:
Comments