Papano nga ba maka-“move on” ang isang ina na nawalan ng anak?
Buwan ng Mayo nang ako ay binigyan ng assignment ng Preso Inc.mula sa request na galing ng aming website- ang Nanay ng isang bilanggo na may lumulubhang sakit at sya ay considered “immunocompromised”.
Si Henry ay 34 taong gulang lamang. Lumala na ang sakit nung sya ay higit isang taong nakulong sa piitan. Namanas na mga paa at may mga pasa na parang namumuong dugo. Hindi na nakakalakad. Pabalik-balik na rin sya sa ospital.
Nakilala ko ang kanyang ina na si Angie. Simula noon ay halos hindi na ako tinigilan sa tawag at texts tungkol sa kalagayan ng anak nya. Gamot at bail sa kaso ang kanyang mga hiling. Nakabigay ang Preso Inc. at ilang kaibigan nito ng konting tulong din. Kausap din ng Preso staff ang lawyer ni Henry at sinisikap maka file ng petition to bail base sa maselang kalagayan ni Henry. Nagkikita kami madalas upang kahit gabi upang iabot ang tulong. Hinanapan ko rin ng sponsor ng gamot at ito ay hinatid ko sa piitan kung saan si Henry nilipat pansamantala. Sumunod din si Nanay sa piitan at walang pagod na araw araw na dinadalan ng pagkain ang anak. Halos sa labas na siya ng Jail natutulog. Pakiramdam daw nya kasi ay parang kasama na din nya ang kanyang anak. Naka monitor din siya kahit sa ospital o sa piitan man at nagmamatyag din sa mga ginagawa ng mga bantay, Madalas ipinpaalala rin nya sa akin na ipaalam ko sa bantay ng Jail ang oras na ng pag inom ng gamot ng kanyang anak. halos lahat ng galaw nya ay naka monitor sa akin at sa jail Minsan nga inaabot na din ako ng pagkainis dahil sobrang kulit nya. Pero d ko pa din matiis.
Marami rin kuento at hinaing si Nanay na hindi daw gaanong naasikaso nang mabuti ang anak nya sa piitan. Ngunit sinikap naming mag focus nalang sa medical na kondisyon at sa posibleng pagpyansa.
Nung June ay nangailangan ng blood donor si Henry at hinanapan ko pa din siya. May isang kaibigan ang Preso Inc, na nagbigay. Nagpunta rin ako sa Red Cross para matulungan sila. Kalaunan, nalipat na sa isang public hospital si Henry. Bukod sa dating sakit, nagka Covid din si Henry dahil sa hina ng katawan ay madaling mahawaan ng hospital-borne infection.
Halos buong buwan.ay binuhos ni Angie ang kanyang sarili sa pagbabantay sa anak kahit sa labas lamang. Ni hindi nya ito nakakausap sa video chat. Pilit din ni Nanay na hinimok ang mga bantay na alisin na ang posas sa isang kamay na nakakabit sa isang side ng kama. Panu na nga daw makatakas pa ay ni hindi na nga makatayo, Ang hirap lang, bawal daw kasi’y protocol ng Jail.
Duon sa labas ng ospital nanatili araw at gabi si Nanay Angie. Halos araw araw din naming hinihiling sa Korte at abogado na mabigyan ng pagkakataon ma bail.
Dumating ang June 24, 2021. Ito na sanang araw na ito na magiging masaya si Nanay na sinabi ng lawyer na ma approve na ang petisyon para magpyansa. Subalit hindi na umabot si Herny at tuluyan na syang binawian ng buhay.
Hanggang sa sandalling ito, halos hindi matapos ang pagluha ni Anggie. Di nya makayanan ang pagkawala ng anak. Si Henry na nuon ay syang kaagapay nya sa mga gastusin sa bahay. Kinalas na sa wakas ang mga tali sa kamay ni Henry, Tunay ngang malaya na sya. Ngunit si Nanay na naiwan, kailan nga ba tunay na makakalaya buhat sa dalamhati?? Paano nga ba mag “move” on?
Patuloy ang panalangin ni Angie. Kasi, patuloy ang buhay…
Comentarios