top of page
  • Writer's pictureSolita Baltazar

GOD WRITES STRAIGHT ON CROOKED LINES


Si Luigi ay 3 long years nakulong sa kasalanang hindi nya lubos na naintindihan.

Tubong Lanao del Sur sa Mindanao, si Luigi ay lumuwas sa Manila sa kagustuhang kumita para sa pamilya. Namasukan sya bilang isang helper sa isang construction firm.


Nung isang araw na papunta sila ng pinsan nya sa Cubao upang sunduin pa ang isang relative mula sa probinsya, may nakita silang sinasaway ang dalawang pulis na isang tao sa may pader at tila hindi nila nagustuhan ang paraan ng pagsaway. Pinanuod nila at parang gusto nilang tulungan yung hinuhuli. Napansin ito ng isang pulis at nabaling sa kanila ang atensyon nito. Saglit na nagkasagutan at agad agad ay nilagyan siya at pinsan nya ng posas nung isang pulis. At sa inis niya at palibhasay alam niyang wala naman silang kasalanan, ay tinabig nya ito. Dahil dito ay lalong dinagdagan ng kaso at sila nga ay nakulong. Direct assault daw at obstruction of justice.


Talaga nga daw inosente sila sa larangan ng kagalawan ng mga tao at kapulisan sa mga syudad. Dahil sa walang kakilala ay walang nagayos ng kanilang kaso, tumagal si Luigi sa loob ng Jail. Ngunit dahil rin sa good behavior, si Luigi ay nirekomenda ng Jail officer sa Preso Inc. upang matulungan. Sa maigsing panahon, nabayaran ang cashbond para sa kanya. Nag coordinate din kami sa kanyang lawyer para makagawa ng mga pamaraan upang mawalan sya at pinsan nya ng sala. Kaya lang sa paglaya ni Luigi, walang regular na trabaho at tirahan.


Dito nagsimula ang aming pagkakilala sa kanya na siya pala ay likas na may mabuting kalooban. Mas pinatibay pa ito nang nirekomenda rin sya ng Preso Inc. kay Bro. Gary upang sya ay mabigyan ng trabaho at pansamantalang tutuluyan. Si Bro. Gary ay palagiang kumukupkop ng mga neglected adults.

Nagustuhan ni Bro Gary ang trabaho at ugali ni Luigi . Mahilig kasi si Luigi na magpasalamat. Napagkakatiwalaan din sya ni Bro Gary nang buong buo. Kaya nga binigyan na sya ng permanenteng tirahan, pati mga gamit at regular na work sa construction. Pati na rin ang mga susi ng mga kwarto at bahay na pinagagawa ay sya rin ang may hawak. Naging personal assistant na sya ni Bro Gary.

Nung minsang dumalaw ako, tinanong ko si Luigi: Pag natapos ba ang kaso mo ay uuwi ka na sa inyo sa Lanao?? Uuwi lang daw siya para dumalaw sa pamilya pero babalik at hindi nya iiwanan si Bro. Gary na senior citizen na at syang taong nagbigay ng malaking oportunidad na umayos ang kanyang buhay. . Para ding tumatayong Tatay nya ito. Natutunan din nya ang maging mahinahon dahil ang biglang init ng ulo ay walang mararating.

Iba talaga ang Diyos gumalaw. Iba ang tinadhana. Hindi nya akalain na ang pagkakulong nya pa ang daan para makatanggap ng unexpected blessings. Malaking pasasalamat din nya na may Preso Inc. Sa kabila ng liko likong daanan, may Diyos na tuwid na nagpapatag ng ating landas.


Indeed, God writes straight on crooked lines.

Comentários


bottom of page