Si Willie ay isang ama na gagawin ang lahat para sa kanyang mga anak. Siya at ang kabiyak na si Zeny ay may anim na anak. Namumuhay nang simple at matiwasay. Ngunit kadalasan, nagkakasakit ang kanyang bunsong anak na si Ella dahil sa pagiging asthmatic nito.
Si Willie ay nagtatrabaho bilang isang assistant electrician sa isang construction company. Bagamat hindi sya licensed, ang experience nya ay hindi matatawaran. Masayang nagtatrabaho para sa kanyang pamilya kahit maliit ang kinikita. Ngunit isang araw, siya ay nangailangan ng pera para sa agarang paagamot ng kanyang bunsong anak. Napilitang lumapit sa kanyang amo para mag-cash advance ng kahit isang libong piso. Sa kasamaang palad sa kabila ng pagsusumamo, hindi sya napag bigyan. Alam nya na sa mga oras na yun, hirap na hirap ang anak na makahinga dahil sa asthma, pero wala talga syang mapagkunan. Sobra ang pagalala nya sa anak. Habang nasa trabaho, may nakita siyang mga putol putol na wire nainipon at inakala nyang patapon na ngunit kapag nabenta, ay may konting halaga rin. Nang may nakakita nito at naisumbong sa kanilang Supervisor, sya ay hinuli at kinasuhan ng qualified theft. Ang total declared amount ng ninakaw ay P1,500 lamang ngunit ang bail ay umabot ng P24K. Sa Manila City Jail sya tuluyang kinulong.
Dahil sa mabuti naman ang kanyang pinakita sa Jail, siya ay nerekomenda ng Jail Paralegal Officer sa Preso Inc., para siya ay matulungan maka pag bail. Pero bago namin siya lubos na matulungan, binisita muna namin ang kanyang pamilya. Noong August 1, 2020 kami ni Solita Baltazar ay dumalaw sa kanilang tirahan sa dulo na ng Pasig, halos Taguig area na… sadyang napakalayo. Pero sa tulong at gabay ni Lord, kahit mahaba ang byahe, sa araw at sa ulan, natunton din ang tahanan. Masayang sumalubong si Kinno, second child sa family. Sa magalang at maaliwalas na pagtanggap ng asawa at mga anak ni Willie, halos nawala na ang aming pagod at hirap. Kay gagandang mga bata, ang aming unang nasabi. Makikita sa kilos at pananalita at sa malinis na bahay, kung paano sinikap ni Willie na palakihin nang maayos ang kanyang mga anak. Masaya kaming nakipagkuwntuhan at napagalaman din namin na sila pala ay nilapitan ng isang pyansadora at nakuhanan ng P15,000 na inutang pa nila sa 5-6, pero walang nangyari, naloko lamang sila. Laking pasasalamat ng nalaman nilang may Preso Inc na tutulong. Kaya’t sa loob ng halos dalawang linggo, nilakad namin ang kanyang mga papel at binayaran ang bail. At sa awa at biyaya ni Lord, finally last August 20, 2020 tuluyan nang nakalaya si Willie.
Nung araw na sya marerelease, sobrang excited ang magkapatid, ginawa ang lahat para sumundo, mula Pasig hanggang Jail kahit na MECQ, lakad at konting sakay, okey lang, mayakap lang muli ang ama.
Sa mga pictures na pinakuha namin, halos hindi makaalis sa tabi ng ama ang dalawang babaeng magkapatid lalo na ang may sakit na si Ella. Alam nila na dahil sa laki ng pagmamahal ni Tatay sa kanila kaya nakagawa ng hindi dapat.
Mali ang ginawa ni Willie. At yun ay lubos nyang pinagsisihan. Ngunit nung mga panahong yun, wala tayo sa sitwasyon nya… gipit at sabi nga... kahit sa patalim ay kakapit. Sa mata ng kanyang mga anak, walang katulad ang pagmamahal ng kanilang ama. Ang ama, gagawin ang lahat para sa anak. Pero, still, the ends does not justify the means. But Willie is one person na handa naming tulungan at gabayan. Great indeed is the love of a father! Hmmmm… bigla ko tuloy naalala ang ama ko.
(Update: Last August 23, 2020, Willie was referred by PRESO Inc.for possible job placement to a friend who is working at Pasig City Hall).
תגובות