top of page
Writer's pictureRaymund Narag

Halalan 2022: The Status of Bail in the Philippines

Updated: Nov 12, 2021

Part 2 of a Series In this upcoming elections in the Philippines, what are the agenda of the presidential candidates in relation to issues and concerns of our criminal justice system. We hope that as voters, we include these concerns as we choose who will lead our nation.

----- "Wala po akong perang pampyansa, di ako nakakalaya." Ito ang salaysay ng isang naninirahan sa isang piitan. Maraming mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nagtatagal sa kulungan habang dinidinig ang kanilang kaso sa korte. Sa aking pag-aaral, 53% ng mga PDLs sa Metro Manila ay bailable offenders subalit walang perang pampyansa. Karamihan sa mga ito ay may pyansang PhP 200,000.00 pababa. Mayroon ding ang mga pyansa ay di tataas ng PhP 5,000.00. Dahil sa tagal ng takbo ng kaso, ang mga PDLs na di nakakapagpyansa ay nagtatagal sa kulungan ng humigit-kumulang 2 taon. Karamihan dito ay mapapatunayan walang sala (acquitted), o dili kaya ay madidismis ang kaso. Lalong nagsisikan ang mga kulungan.

Malaki rin ang gastos ng gobyerno.

Limitado ang rehabilitasyon na nagaganap, kaya't pabalik balik sila sa kulungan. Ito ang sitwasyon ng criminal justice system sa ating bansa: kung walang pera, di ka makakalaya. Para sa mga kandidato sa eleksyon: ano ang inyong gagawin sa mga isyung ito. Sa mga botante: tanungin natin ang mga kandidato sa kanilang plataporma.



Comments


bottom of page