top of page
  • Writer's pictureMadelyn N. Solito

Handang-Handa nang Bumangon Muli (Stories of Hope, Resilience and Restoration) - Tagalog

Isang tao ang natulungang mag-umpisa muli sa buhay sa tulong ng PRESO Inc.

 

Stories of Hope, Resilience and Restoration

 

Sino nga ba ang mag-aakalang ang pagkasunog ng "tapa" ang siyang maging dahilan ng pagkakabilanggo ng isang simpleng tao sa loob ng isang taon?

 

Ang 38 anyos na si Nanding Ledo, (tunay na pangalan), mula sa Tacurong City, Sultan Kudarat, ay nakasuhan ng qualified theft nang umalis ito pansamantala upang magbathroom break habang ang kanyang kasama, na dapat sana'y bantayan ang pagluluto, ay nagpabaya.

 

Si Nanding, isang high school graduate, ay naglaan ng mahigit sa 15 taon ng kanyang buhay bilang isang kusinero sa isang kilalang tapsilugan sa Caloocan.  Sa kabila ng paglago at tagumpay ng restaurant,  hindi tinupad ng may-ari ang mga kontribusyon sa SSS ni Nanding, na dapat sana'y nagsimula noong siya ay 21 anyos pa lamang.  Dahil sa kapabayaan na ito, hindi natamo ni Nanding ang kanyang karapatang maakatanggap ng benepisyo bilang manggagawa, na nagdulot sa kanya upang patuloy na tanungin ang may-ari at sa huli'y nagdulot ng sama ng loob sa kanilang dalawa.

 

Kaya nang masunog ang limang kilong "tapa," itinuturing ni Nanding na panlilinlang ng may-ari upang maiwasan ang kanyang mga responsibilidad at akusahan ito ng qualified theft. Bilang resulta, siya ay napabilanggo noong Hunyo 2022.

 

Ipinapahayag ni Nanding na wala siyang anumang mga problema sa kanyang mga katrabaho at kahit minsan hindi sya nagdulot ng gulo sa komunidad.

 

Sa bilangguan, unti-unti nang naapektuhan ang kalusugan ni Nanding, bumagsak ang katawan at kinailangan na ng mahabang gamutan para sa kanyang tuluyang paggaling. Dahil sa kinakailangan siyang ma-isolate, hindi ito nakasali sa mga livelihood activities at pag-aaral sa bilangguan.  Nailipat sya sa isang pasilidad din ng BJMP na tinawag na  Satellite Treatment Center sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kung saan sya pinagamot kasama ang ibang bilanggo na may parehong karamdaman, sa loob ng mahigit tatlong buwan.

 

Matapos ang isang taon, noong Setyembre 2023, napawalang-sala si Nanding sa paratang laban sa kanya. Gayunpaman, naantala ang kanyang paglaya ng karagdagang limang buwan dahil hindi ito nagawang prayoridad ng jail personnel dahil na rin sa dami raw ng kanilang tungkulin.  Sa wakas, noong January 2024, siya ay lumaya na.

 

PRESO Inc., isang organisasyong naglalaan ng tulong sa mga first time, indigent at low risk offenders,  ang syang sumaklolo kay Nanding. Sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, isang mapagmahal at matagal na ring volunteer para sa mga dating nakapiit,  na si Tatay Gerry, partner ng PRESO Inc. sa kanilang misyon, ang tumanggap sa kanya at nagbigay ng masisilungan, pati na rin mga pangunahing pangangailangan habang siya ay patuloy sa kanyang pagpapagaling.

 

Si Nanding ay nag-iisa sa buhay. Ang kanyang asawa ay bumalik sa Mindanao, at sa malas, ang kanilang tanging anak ay namatay sa isang sunog.  Sa kabila ng pagharap sa trahedya at pagkawala ng kanyang anak, nananatiling matatag si Nanding.   Ramdam namin ang lungkot habang ibinabahagi niya ang kanyang kwento ngunit makikita rin ang kanyang determinasyon na magpatuloy para sa isang magandang kinabukasan.  Nais niyang magkatrabaho bilang isang kusinero na isang trabahong kanyang ini-enjoy.   Kamakailan lamang, siya ay nagkaroon ng bagong dentures at nagpagupit na rin at nagkaron na ng mas maayos na pangangatawan.

 

Salamat sa PRESO. Salamat kay Tatay Gerry.  Si NANDING LEDO ay handing-handa nang bumangong muli at magsimula ng panibago.

 

Commentaires


bottom of page