top of page
Writer's pictureSolita Baltazar

Hukuman at Barangay, Magkatuwang sa Pagbabagong Buhay

Updated: Sep 12, 2020


Si Ronald ay isang 45 na taong gulang na undergraduate ng computer science. Nagkaron ng maayos at regular na trabaho sa isang laundry shop at pinagkakatiwalaan ng mga kasamahan. Kung tutuusin ay hindi sila sa salat sa pamilya dahil dalawa lang silang magkapatid. Ang kinikita nya ay pangsarili lamang nya. Ang ama ay matadero at maayos din naman ang kinikita.


Aminado siya na dahil sa barkada, natuto syang gumamit ng pinagbabawal na gamot. Matigas ang ulo nya, pag pinagsasabihan, pasok sa isang tenga at labas sa kabila. Matagal siyang naging medyo pasaway at hindi mapigilan ng ina sa barkada. Pero dumating ang kinatatakutan ng ina na mangyari. Nayaya sa Masambong at may item na kukunin at duon ay nahuli na siya. Ang problema ay kung kelan talaga siya walang hawak na bawal na drog ay saka naman siya nahuli.


Sa loob ng piitan ay duon nya naalala ang lahat ng mga katigasan ng ulo nya at hindi pagsunod sa magulang. Hanggang umabot na siya ng mahigit isang taon. Lahat ginawa na ng ina ng paraan kung paano siya makakalaya. Finally, nag decide syang mag plea bargaining or umamin sa kasalanan. Kaya’t sya ay hinatulan ng 2 taon at 6 na buwan. Matagal pa din para sa kanya na bunuin pa ito. Nag apply ng Probation ngunit na deny sya ng Korte base na rin sa recommendation ng Probation Officer.


Hanggang sa makabalita ang ina na ang PRESO Inc. ay madami na ring natutulungan. Dito na nakiusap ang ina sa akin na tulungan siya. Sa patuloy na pagtatanong at paghahanap ng posibleng ibang pamaraan upang mapabilis ang paglaya, nakiusap ako sa kanyang abogado na naka assign sa kanya... si Atty Lucman. Naisip ni Attorney na humanap ng legal remedy. Nagfile siya ng ROR or yung tinatawag na Release on Recognizance at kinailangan kung saan may dalawang kinikilalang respetado particular na ang kanyang Barangay. Humanap kami ng 2 barangay officials na puedeng tumayong Guarantors or parang Custodian kay Ronald na syang nagpapatunay na maari pang tunay na magbago si Ronald at handa sila nitong gabayan. Binigyan ako ni Atty Lucmanng sample ng mga documents na gagamitin at isasabmit s Korte. Dumating ang Aug 28 na isang on line hearing na ginanap sa Brgy.Obrero mismo. Kinausap ni Attorney ang dalawang Kagawad at inexplain mabuti ang kanilang mga responsibilities. Napakinggan ng Hukom or Judge ang mga pahayag ng mga ito. At sa kabutihang palad, matapos ng ilang araw lamang, nag desisyon ang Hukuman na palayain na si Ronald. Salalmat sa Dyos!


Pinuntahan ko si Ronald kinabukasan ng kanyang paglaya. Maaliwalas ang mukha, nahihiya ngunit sobrang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya , mula sa Abogado, Barangay, Hukuman at Preso Inc. My mga ganito daw palang mga tao na magbubukas ng pagbabago sa kanyang buhay. Saludo kami sa mga tao sa mismong ginagalawan nating komunidad tulad ng mga Kagawad, na bukas ang pagiisip at puso para sa isang nagsisikap magbago. At salamat din na may mga Abogado at Hukuman na patuloy na naniniwala pa rin na may pagasa pa ang mga minsan ay nagkamali, na hindi pa huli ang lahat. May second chances ika nga. Na kay Ronald na ang susunod na hakbang. Nawa’y hindi nya sayangin. Talagang puede, puedeng magkatuwang ang Hukuman at ang Barangay sa pagtulong sa mga nakapiit tungo sa kanilang… PAGBABAGONG BUHAY!


Comments


bottom of page