top of page
  • Writer's pictureSolita Baltazar

Lessons Learned by a Grieving Mother

Simple lang ang pamumuhay ni Merly. Nagtitinda ng barbecue sa gabi para sa isang carinderia at nagaalaga ng isang batang anak sa araw. Katuwang nya sa paghahanap buhay ang live-in partner na isang caretaker ng bodega na trusted naman ng isang Chinese businessman. Pinatitira silang dalawa sa bahay nito nang walang bayad. Si Merly naman bilang panglibang daw ay labis na nahilig sa isang bisyo na halos hindi nya maiwasan. Ito ay ang sikat na tong it's o isang uri ng sugal na gamit ang baraha at may mga barya baryang taya. Sa sobrang hilig nya dito, madalas na bitbit nya pa ang kanyang sanggol na anak at nag breast-feeding habang naglalaro.

Sa paglipas ng dalawang taon, sa hindi nya inaasahang mangyari, habang naglalaro ng tong-its kasama ang amo nyang babae at ang kumare nito, hindi nya akalain na may biglang dumating na pulis at nahuli sila at nakasuhan ng illegal gambling na kung saan may pyansang P30,000 sa bawa’t isa.

Nakulong siya sa Quezon City Female facility sa Camp Karingal. Sa ika-apat (4) na buwan nya sa kulungan ay biglang namatay sa sakit ang 2 years old nyang anak na babae marahil din dahil sa kulang sa aruga ng mga magulang. Busy sya sa pagtitinda at sa tong-its. Ang partner naman nya ay tutok din sa sariling trabaho.

Napakasakit para sa iang inang tulad nya ang mamatayan ng anak nang hindi man lang nya nakita at nayakap kahit sa huling sandali. Sa sobrang tampo rin ng partner nya na tila sya pa ang nasisisi, hindi na pinaalam kung kelan nilibing ang anak at hindi na rin sya dinalaw pa. Ang bigat sa konsensya ng nangyari. Halos gumuho ang kanyang mundo. Wala siyang nagawa kundi magiiyak. It was too much too bear ika nga. At dahil wala siyang perang pang bail, pakiramdam nya dun na sya magtatagal. Ngunit ang BJMP Paralegal humingi ng tulong ng Preso Inc. para sa temporary freedom. Agad itong naaksyunan at sa loob ng 2 araw na pag asikaso sa motion at mga documents ay nabayaran ng Preso Inc. sa reduced bail na P4,500 only. Nabigla at natuwa nang husto si Merly at halos di nya akalain na may magbabayad ng pyansa at lalaya sya nang mabilis matapos ang anim na buwan sa piitan. Dito rin nya naisip na kailangan pa bang mawala ang isang mahal sa buhay para lang maituwid ang kanyang landas?

Nung nakalabas na sya, may mga nararamdaman sya na parang nahihilo, sumasakit ang katawan at pati mata ay parang nanlalabo. Bagama’t ito ay physical na sintomas ng sakit at katuwang nya ang Preso Inc sa tuluyang paggaling, ramdam din ni Merle na sa isang banda, ito rin ay mga signs na dapat na ring maghilom ang kanyang mga “sugat” sa pamamagitan ng tapat na pagsisisi at pagbabalik-loob sa Dyos. Kailangan nyang humingi ng tawad sa anak at sa kanyang pamilya. Higit sa lahat, kailangan ding patawarin nya ang kanyang sarili. There are many lessons we learn in life at kadalasan naguumpisa ito sa hurts and failures. Pero may panahon pa sya para itama ang lahat at bumangon muli… from a grieving to a responsible and caring mother.

Comments


bottom of page