top of page
  • Writer's picturePRESO Inc.

Maliwanag na Bukas

Updated: May 4, 2023

Si Greg ay isang menor de edad na nalagak sa isang Bahay Aruga or Center para sa mga batang inakusahan ng rape. Nanatili sya sa Center nang mahigit sa dalawang taon na. Siya ay may sakit na glaucoma na kaniyang namana sa ama. Sa katunayan, lahat silang magkakapatid sa ama ay may ganitong sakit. Sa murang edad naulila na si Greg at kaniyang mga kapatid sa ina at ang tumayong magulang niya ay ang kanyang tita kasama ang lolo at lola niya. Gayunpaman, lumaking maayos at may takot sa Diyos si Greg. Sa katunayan very active siya sa mga gawain ng kanilang simbahan.


Sa isang hindi inaasahan pangyayari, hiniram siya ng kanyang ama sa Pasig upang doon na mag-aral. Noong una, ayaw pumayag ng kanyang tita na pumunta siya doon pero sa kalaunan, pumayag din dahil kahit ano daw ang mangyari, ang tatay pa rin ni Greg ang kumukuha sa kanya. Ngunit sa kasamaang palad, hindi pala siya pinag-aral ng kanyang ama at siya ang tinuraan mag-massage therapy. Pinasok siya sa isang spa ng mga bulag sa Cavite. Doon nga nagtrabaho si Greg bilang masahista na bulag. Nalaman ng tIta niya yun nangyari at binawi niya si Greg sa tatay nito. Natira ulit si Greg sa Taguig sa kanyang tita.


Panahon ng anniversary ng kanilang church, niyaya si Greg ng ama niya na umattend sa Pasig dahil nga active siya sa kanilang simabahan. Pumunta siya sa bahay ng kanyang tatay at nagpalipas ng 3 araw doon. Pag uwi niya sa Taguig, tumawag daw ang kuya niya at sinasabi na kinakasuhan si Greg ng rape.


Dalawang taon mahigit nabuhay si Greg sa loob ng Bahay Aruga dahil sa kasong sinampa sa kaniya. Dito unti-unti lumalala ang kanyang glaucoma. Hanggang sa ilapit siya ng social worker ng Bahay Aruga sa PRESO, Inc. upang tulungang makalaya sa paniniwala din na inosente si Greg. Sa panahon na tinututulungan na siya ng PRESO, Inc. ay na-diagnose siya na 10% na lang ang tsyansa na makakita siya at tuluyang mabubulag sa kalaunan. Matapos ang masusing pag-aaral ng kaso niya at sa pagbisita ng aming program field officer kung saan positibo ang suporta ng pamilya at kumunidad, sinikap ng PRESO Inc. na matulungan si Greg na makalaya.


Sa simula ay napakalaki ng bail amount na nakalagay sa kanyang kaso. Sa tulong na rin ng Public Attorney ni Greg, ay naghain ito ng Motion for Reduction of Bail na pinayagan naman ng kaniyang Judge. Dahil sa mataas pa rin ang naging reduced bail amount, ay sinubukan, sa kauna-unahang pagkakataon, ng kaniyang Public Attorney ang Motion for Further Reduction of Bail.


Nitong Agosto 2021, tuluyan na ngang nakalaya si Greg. Sobra siyang nagpapasalamat na bago manlang siya tuluyan mawalang ng paningin ay makasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay. Sa ngayon siya ay nasa pangangalaga ng kanya tita, lolo at lola at sinusubukan niya muling mamuhay ng maayos at umaasa na patuloy na sa kabila ng madilim na paningin, magliliwanag naman ang kanyang bukas.



Comments


bottom of page