top of page
Writer's pictureMadelyn N. Solito

Mula sa Pagwalang-Bahala Tungo sa Pagiging Responsable (Stories of Hope, Resiliency and Restoration - Tagalog)

Si Jonel Salvador (tunay na pangalan), 24, ay isang construction worker na ngayon. Kamakailan lamang, ibinahagi niya ang larawan ng isang construction project na kung saan siya ay nagtrabaho. Mararamdaman mo na ipinagmamalaki na ngayon ni Jonel ang kanyang sarili. Wala nang bakas ang isang mapait na nakaraan noong siya ay nakapiit. Si Jonel ay lamang 17 taong gulang nang siya ay ikulong dahil sa kasong attempted murder. Inaamin niya na siya ay walang pakundangan at walang paki noon. Ginugol niya ang karamihan ng kanyang oras kasama ang mga kaibigan na minsan ay bad influence sa kanya, siya rin ay may bisyo, at hindi pinapansin ang payo ng kanyang mga magulang. Hindi niya akalain na siya mabibilanggo balang araw na siyang magiging daan ng kanyang pagbabago. Isang araw noong 2017, siya at ang kanyang apat na kasamahan ay gumawa ng matapang at biglaang desisyon na harapin ang isang lalaki na pinaniniwalaan nilang nang-aakit sa kasintahan ng isang kaibigan. Sa isang makitid na kalsada sa Navotas, sila ay lumapit sa isang grupo ng mga lalaking nag-iinuman at nagtanong tungkol sa kinaroroonan ng lalaking iyon. "Umalis kayo dito kung gusto niyo pang mabuhay," ang sagot ng mga ito. Kaya naman, sila ay umalis na at naghanap ng computer shop upang maglaro ng video games para pampalipas- oras. Biglang nagkaroon ng gulo. Si Jonel at ang kanyang tatlong kaibigan ay nagtakbuhan sa iba't ibang direksyon. Ang isang kaibigan nila ay naiwan at inatake ng isa sa mga miyembro ng grupo na nag-iinuman. Nakipaglaban ang kaibigan ni Jonel na nagresulta sa pagkamatay ng miyembro sa kabilang grupo. Sa di inaasahang pagkakataon, lahat silang lima, kabilang na si Jonel ay hinuli kaugnay ng kaso ng pagpatay.

Si Jonel ay nabilanggo simula Hunyo 2017 at nawalan ng pag-asang makalaya agad. Sino nga ba ang magmamalasakit sa kanya at sa kanyang mga kaibigan? Sila ay mahihirap at walang anumang koneksyon. Iniisip niya na siya ay mabubulok sa bilangguan at gagugulin ang kanyang buong buhay sa likod ng rehas. Nang hindi nya inakala na may tumulong na organisasyon na PRESO Inc. upang iproseso ang kanilang paglaya at nagbigay ng piyansang PHP60,000 bawat isa upang makalaya pansamantala habang dinidinig ang kaso. Ang desisyon ng PRESO Inc. ay batay sa mga ulat at pagsusuri mula sa mga manggagawa ng DSWD na nagbabantay sa mga batang ito habang naka-house arrest sa Bahay Pag-asa. Noong Nobyembre 2022, pinawalang sala si Jonel at ang kanyang tatlong kaibigan at sa wakas ay lumaya matapos ang limang mahabang taon. Sa kabila ng kanyang panahon sa piitan, nagawa pa ring makumpleto ni Jonel ang Senior High School sa pamamagitan ng distance education.

Ngayon, si Jonel ay lubos na naka-ukol na baguhin ang kanyang buhay at magtagumpay sa kanyang trabaho bilang isang construction worker. Pinaplano rin niyang magtayo ng maliit na negosyo sa lalong madaling panahon sa tulong ng kanyang pamilya at kasintahan. Siya ay determinado na hindi na kailanman mauulit pa ang mapait na limang taon ng pagkakapiit. Pinahahalagahan na ngayon ni Jonel ang buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos at nakatuon sya sa pagiging produktibong kasapi ng komunidad.


コメント


bottom of page