top of page
  • Writer's pictureNita Mangaser

No Act of Kindness is Ever Wasted


Masipag at marunong makisama sa mga katrabaho si Romy. Dati na siyang nalalapitan ng kanilang barangay upang tumulong sa anumang gawain kaya later on ay naging Barangay secretary siya. Di rin nagtagal ay nakakuha siya ng trabaho sa isang malaking kumpanya. Gayunpaman, hindi nawala ang kanyang hangaring maglingkod sa kanilang Barangay. Nakapag donate pa nga sya ng dugo para sa isang kagawad na may sakit. Nung sya ay nawalan ng trabaho sa kumpanya, nagkataon naman na ang dating Barangay Chairman nila ay nagkaroon ng malubhang sakit. Pinakiusapan siya ng mga kamag-anak nito na tumulong bilang isa sa mga caregiver. Naging maayos at masaya naman siya kasama ang isa pang kapwa caregiver na nag-aalaga sa dating Chairman. Hanggang sa isang araw, Si Romy ay pinagbintangan ng kapwa caregiver na syang kumuha ng ATM card ng maysakit na Chairman. Tuluyan na syang kinasuhan ng Qualified Theft. Hindi rin makapaniwala ang mga dating kasama niya sa Barangay na magagawa niya ito. Nadala siya sa Manila City Jail Male Dorm at dumaan sa Classification and Risk Assessment procedure ng jail. Base na rin sa kanilang assessment na si Romy ay may low criminogenic risk, ibig sabihin hindi sya makapananakit at hindi rin madaling makagawa ng mali. Dito naisipan ng Paralegal Unit ng jail na irekomenda siya sa Preso Inc. Community Bail Bond Program.

Noong July 21, 2020, nabigyan si Romy ng provisional dismissal ng korte dahil sa kakulangan ng witness laban sa kanya. Labis ang saya nito nang makauwi at makasama muli ang byuda niyang Nanay na walang ibang kasama sa bahay simula nung makulong siya.

Mula nang sya’y lumaya, nagsisikap si Romy na makabangon muli para makatulong sa kaniyang Nanay. Inirekomenda siya ng PRESO, Inc. sa El Proveedores Foundation para sa capital loan assistance. Balak nyang madagdagan ang mga paninda nila sa kanilang maliit na tindahan. Umaasa ang PRESO, Inc. na sa pagbangong ito ni Romy ay makapag-serve siyang muli sa kaniyang pamayanan na patuloy din naman syang pinagkakatiwalaan. Tama nga na kahit kelan, hindi nasasayang ang paggawa ng mabuti. Salamat sa Dyos.

Comments


bottom of page