top of page
  • Writer's pictureSolita Baltazar

No More Turning Back


Si Nery ay isang simple at medyo tahimik na dalaga na pinalaki ng kanyang mga magulang nang may takot sa Dyos. Ngunit nuong nasa high school, natuto na syang bumarkada. Dito na nagumpisa ang kalbaryo nya at ng kanyang pamilya.

Nakapag asawa sya ng maaga sa isang drug addict at pati magulang at kapatid nitong partner nya ay nag dudroga rin. Mula nuong nahiwalay na sya sa magulang, naturuan na sya ng partner nya na gumamit. Kadalasan pa ay sinasaktan siya kapag hindi sya pumapayag. Nang nagtagal na pagsasama, nagkaron sila ng mga anak. Kadalasan nga, huminto lang syang mag droga kapag sya ay nagdadalang tao dahil na realize din nya ang magiging epekto ng drugs sa magiging mga anak. Masakit man sa kalooban, halos wala syang magawa. Ngunit pilit pa rin nyang kinokontrol ang sarili.


Nang lumaon, nalaman na sa Barangay ang mga gawain ng partner ni Nery. At natural lamang na ipahuli na ito at pamilya nito sa isang buy bust operation. Pati sya, si Nery ay damay.


Halos isang taon ang inilagi nila sa Jail. At dahil pandemic, ni minsan ay hindi sya nakakita ng dalaw. Araw at gabi, umiiyak si Nery sa hirap na kaloobang malayo sa mga anak lalo pa’t yung bunso ay napakabata pa. Mabuti na lamang at mayron syang matinong mga magulang na kahit hirap sa buhay ay pilit pinupunan ang mga pangangailangan ng mga apo. Sa piitan, natutong magdasal nang taimtim si Nery. Naging maganda ang kanyang behaviour at walang anumang violation. Tumulong sya sa mga personnel ng Jail at sinikap na magbago. Minsan sa pamamagitan ng video chat, nakikita nya ang mga anak. Sapat na upang mabigyan sya nang lakas at determinasyong alisin na nang tuluyan ang buhay-droga. Kaya’t sa pamamagitan ng recommendation ng Jail authorities, nilakad ng Preso Inc. na mabawasan ang napakalaki nyang bail. At dahil sa maayos na paguugali ni Nery, pati na rin sa tiwala sa kanyang ama na tumatayong karpintero sa Jail, may nagprisintang isang govennment officer na bayaran ang kalahati ng P100,000 na kanyang cash bond at ang kalahati ay sa Preso Inc. sa kondisyon na tuluyan na nyang puputulin ang anumang koneksyon sa pamilya ng partner at magsisikap nalang na tumulong sa government officer na sya ring Custodian o yung kumukupkop sa kanya matapos mabayaran ang bail.



Sa ngayon, masayang nakapag celebrate ng Pasko’t Bagong Taon si Nery kasama ng mga anak. Subalit pansamantala lamang ito dahil sa duon sya sa kanyang Custodian muna titira at dadalaw na lamang nang weekly sa kanyang magulang at mga anak habang nililitis pa ang kanyang kaso.


Magandang simula ito para kay Nery. Sabi nga, bagong taon, bagong TAO. Mahirap man ang pagbangon, pero kakayanin. Kami sa Preso Inc at pati kanyang Custodian ay magtutulungan tungo sa panibagong landas ni Nery. Nawa’y maging matatag sya. Ang Diyos ang syang laging sandalan at pagasa. Para kay Nery, tapos na ang dating buhay, move forward na at no more turning back.

Comentarios


bottom of page