top of page
  • Writer's picturePRESO Inc.

Our CBB Participant's Daughter Now a Dean's Lister

Updated: Feb 6, 2021


Ang kapalaran ni Nanay Dhang ay isa sa naging mahabag-damdaming kwento ng mga CBB Participants namin. Matapos mahuli at makasuhan ng theft, si Nanay Dhang ay napunta sa Manila City Jail Female Dorm sa kasagsagan ng pandemya. Dahil siya ay may mental health condition, hindi agad nabigyang pansin ang kanyang kaso. Pati ang kaniyang pamilya ay sa simula hindi alam kung ano nangyari sa kaniya.


Sa pamamagitan ng Community Bail Bond Program, napa aga ang paglaya. Ngayong nasa piling na siya muli ng kaniyang pamilya ay tuloy pa rin ang aming monitoring sa kaniya.


Sa tulong na rin ng aming partner na El Proveedores Foundation, nabigyan ng phychological counseling si Nanay Dhang. Nalaman din namin na ang kaniyang 22-anyos na anak na si Ninay ay napatigil ng pag-aaral ng kolehiyo mula ng mawala ang ina niya. Ang El Proveedores din ay tumulong na makapag aral muli si Ninay.


Muling nakapag-enroll si Ninay ng BS in Education sa Universidad ng Maynila. Nagsilbing inspirasyon sa kaniya ang paglaya ni Nanay Dhang. Pinagbuti niya ang pag-aaral at nito ngang nakayraang semester ay nabilang siya sa Dean's List ng kaniyang kolehiyo.


Patuloy na pagsisikapan ni Ninay na matupad ang kanyang mga pangarap, kapiling ang kanyang mahal na pamilya.

Comments


bottom of page