top of page
  • Writer's pictureNita Mangaser

Sa Tamang Panahon

Si Jean, isang magandang batang ina ay nagmula sa isang broken family. Maagang nagkahiwalay ang kanyang Nanay at Tatay Tatlong batang magkakapatid sila na naiwan ng Tatay at kailangang magsumikap sila at tulungan si Nanay sa paghahanap buhay. Ang masakit nga lang ay sa paglalabada lamang ang tanging source of income. Mas higit pang masakit ay ang Tatay nila na walang paki alam sa kanila. Kahit sila ay nagkaka salubong ay di man lang sila pinapansin nito.

Dahil sa kahirapan at sa di niya matiis na si Nanay na nahihirapan na, siya ay napilitang mag trabaho. At dahil sa siya ay ni hindi nakatapos ng elementarya, siya ay nakapasok muna bilang isang dishwasher-helper sa isang maliit na restaurant ngunit halos hindi nakakaya ng kanyang kinikita ang gastusin sa bahay pati na pagaaral ng mga kapatid.


Dahil sa pangangailangan napilitan syang pumasok sa isang beer house. Sa kanyang murang edad siya ay nakaka ubos ng 12 bote ng beer sa isang gabi. Bumabagsak na ang kanyang kalusugan dahil sa puyat, sigarilyo at alcohol. Nagkaron sya ng mga male customers at tumaas ang total ng kanyang kinikita. Dahil dito, nasusuportahan na niya mga pangangailangan ng kanyang mga pamilya. Siya na rin ang naging bread winner.


Tuluyan na nga ang panggabing trabaho hanggang sa siya ay napaibig ng isang lalaki at sila ay nagsama at nagkaroon ng dalawang anak. Ngunit patuloy pa rin sya sa kanyang trabaho. Ang mga anak nya ay iniwan nya sa pamilya ng kanyang partner. Ni hindi nya halos napalaki ang mga ito. At nagkahiwalay na sila ng partner na ito.


Sa pangalawang pagkakataon, umibig syang muli at nagkaron ng isa pang anak.

Sa kasamaang palad, siya ay biglang hinuli ng mga pulis dahil ang bahay na kanyang tinutuluyan ay isa daw den na kung saan may mga nag drug pot-session daw. Dun siya nahuli sa kuartong tinutuluyan. Ayon sa kanya wala syang malay sa paratang na yun.


At nung nadala na sya sa piitan, dun sya tuluyang nagkasakit. Bumagsak ang katawan hanggang sa iisa na lang ang kanyang baga na gumagana. Madalas na sya ay hirap huminga at kinailangan mag oxygen.


Dahil sa ganitong kalagayan, siya ay inilapit sa Preso Inc. ng Jail Officer. Nilakad naming ang bail o pyansa at hinanapan namin ng pansamantalang tirahan dahil sa walang matinong lugar sa bahay ng mga kapatid nya na mahirap din naman. Hindi rin sya puedeng pumunta sa Quezon province dahil sa kailangang maka attend sya ng mga court hearings. Nakalabas sya noong July 17 at siya ay naihatid sa tirahan na pag aari ng isang prison volunteer. Laking pasasalamat nya sa Preso Inc. sa pansamantalang paglaya at maayos na tirahan.


Matapos ang isang buwan, may isang matalik na kaibigan na syang kusang kumupkop sa kanya dun sa isang lugar na sakop din ng kanyang dating Barangay. Bagamat kapos pa rin sa maayos na pagkain at kawalan ng hanapbuhay, sinikap ni Jean na magpakatatag. Naisip nyang kunin na rin mula sa dating partner nya ang pinakabatang anak na 5 taon lamang.


Nabisita ko ulit si Jean at finally, mas matamis ang mga ngiti nya dahil masayang masaya sya na kapiling na niya ang kanyang bunsong anak. Nadadalaw na rin siya ng kanyang Tatay na ngayo’y nagbago na ang ugali at muli silang tinutulungan. Pati mga kapatid ay nakikita nyang muli. Ang Barangay Chairman ay umaalalay na rin. Nagbigay ng ayuda at nangako sa amin na kapag may virtual hearing si Jean ay puedeng dun na lamang sa opisina nya tumuloy.

Ngayon ang isa niyang kapatid na si Airene ay gumagawa ng paraang makahanap ng kanilang matitirhan para mag kakasama na silang mag kakapatid pati na ang kanilang Nanay na may sakit.


Handang lumaban sa buhay si Jean sa kabila ng kahinaan ng katawan. Tanging dasal niya ay sana daw ay patawarin sya ng dalawa pa nyang mga anak at muli nya itong makasama. Patuloy syang nagdadasal at nangangarap na matupad itong lahat. Sa isip ko, Dyos lang ang nakakaalam kung kaylan ang tamang panahon.

Comments


bottom of page