top of page
Writer's pictureRaymund Narag

Tong-its, Kobid19 at Panimulang Buhay

Updated: Sep 12, 2020


Ito po si Ate... lumaya na sa wakas. Siya ay naging PDL (detenido) simula noon February 15, 2020 dahil sa tong-its. Uulitin, ko: tong-its. Kasama ang dalawang kapitbahay, sila ay nagpapalipas oras ng tong-its matapos ang buong maghapong pagtatrabaho. Di sila nakapagpyansa agad. Di kinaya ang PhP 30K na bail. Ganoon, kataas ang halaga ng bail. Hanggang sa naabutan sila ng ECQ...


Sikisikan sila sa selda. Natakot na makobid19.

Nag-alala ang mga kamag-anak.


Sa pakikipagtulungan sa PAO lawyer nya, naibaba ang piyansa sa PhP15K. Nag-ambag ang PRESO Foundation ng PhP10K at mga kamag-anak at kapitbahay ng PhP5K...

Subalit, si Ate ay may kapangalan na may kaso sa ibang korte. Kaya siya ay balik-selda. Kailangan pang magsumite ng Affidavit of Denial. Isang linggo pa ang nagdaan at sa wakas pinayagan ng butihing hukom.


Sinalubong siya ng anak at kabarangay... Matapos ang tatlong buwang pangungulungan, sa wakas, nakasama ang pamilya.

Dahil sa tong-its, nagambala ang buhay.


Tutulungan ng PRESO Foundation na tumayo muli... na siya ay magpapakita sa korte pag tinawag... Na siya ay magkakaroon ng regular na trabaho... na siya ay maging masunurin sa batas.


Sa gitna ng kobid19, may bagong pag-asa.

Sa lahat ng mga supporters ng Community Bail Bond program... salamat. Sila ang inyong natulungan~



Comentarios


bottom of page