top of page
  • Writer's pictureNita Mangaser

Young and Hopeful - Ang Laban ni Ram

Si Ram ang panganay sa dalawang magkapatid at parehong lumaki sa Bulacan kasama ang mga magulang. Masaya silang pamilya hanggang sa ang kanilang Nanay ay nangibang bansa upang magtrabaho. Sa pag alis ng Nanay niya ay doon na nagsimula ang mga pagsubok ni Ram. Nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang. At nang umuwi si Ram sa probinsya ay nakita nya ang Nanay pagbalik nito mula sa ibang bansa at para syang na shock nang makita nyang may ibang lalakeng kinakasama ito. Samantala ang kanyang Tatay naman ay parang halos nawalan din ng gana sa buhay. Doon si Ram nag-umpisang bumarkada, para malimutan ang problemang kinakaha uprap ng kanilang pamilya.

Hanggang sa isang araw, habang kasama niya ang mga barkada, laking gulat nya na nadamay sya sa pagdampot ng mga pulis sa isang frustrated homicide case, isang kasalanang di niya alam. Parang isang panaginip ang buong kaganapan. Dahil isang menor de edad o yung tinatawag na child in conflict with the law(CICL), si Ram ay dinala sa isang Bahay Pag –Asa. Naging isang maayos at matalinong teenager si Ram sa loob ng Center. Kahit sa murang edad lamang, pinanindigan niya ang totoo at gustong ipaglaban ang kaso. Kahit anung mangyari ay hindi nya aaminin ang ipinaparatang sa kanya. Nanatili si Ram sa Bahay Pag- Asa ng pitong buwan hanggang sa siya ay inilapit ng kaniyang Social Worker sa Preso Inc. na tumutulong sa mga walang kakayahang mag pyansa at lalo’t higit sa mga meritorious cases tulad ng kay Ram. Si Ram ang kauna-unang CICL na natulungan ng Preso, Inc. base na rin sa pagiigng meritorious ng kanyang kaso. Nitong Setyembre ay tuluyang naiproseso ang Motion to Post and Reduce Bail sa joint efforts ng Preso Inc at ng Social Worker ni Ram. Labis labis ang pasasalamat ng pamilya ni Ram at siya ay nakalabas na, kahit man lang pansamantala.

Patuloy pa ring nililitis ang kanyang kaso ngunit habang sya ay pansamantalang nakalaya, itutuloy din ni Ram ang kanyang pagaaral. Ang kanyang Tiyo ay nangako ding babantayan siya at susuportahan. Sinabi rin ng kaniyang Public Attorney na tutulungan niyang ipaglaban ang kaso ni Ram. Wala si Ram na ibang bukang-bibig kundi ang laban, laban para sa katotohanan! Masakit man na sa mga ganitong krisis ng isang teenager ay wala sa tabi nya ang isang ina na dapat sana’y nayayakap nya at nahihingan ng payo at patnubay. Pero sa ngayon, mas mahalaga kay Ram ang matapos ang kaso at makapag move on na. Katuwang nya ang Preso Inc. sa lahat ng magaganda nyang plano. Indeed, young as he is, Ram’s hopes are high for a better tomorrow for himself and his loved ones!

Comments


bottom of page